Sabado, Disyembre 31, 2011

Hello sa lahat ng mga mahilig mag-basa ng BLOG, nais  kitang  pasalamatan sa pag-bisita sa aking ginawang BLOG. marahil ito lang ang una kong masasabi sa pagkat nais ko munang pasalamatan ka. Ang tangi kong hangarin sa pag-gawa ng BLOG na ito ay upang mailathala ang lahat ng aking nasa isipan , ang aking nais sabihin sa BLOG na ito. buti na lang ay may site na libre gumawa ng BLOG at maari ka pang bayaran sa BLOG na ginawa mo dahil sa adsense. lagi akong laman ng Internet sa bawat oras na may pag-kakataon ako dahil merun akong Internet dito sa bahay. Kaya naman naisipan ko subukan din gumawa nito, alam kong kahit noon pa man ay may mga tao ng gumagawa ng sarili nilang BLOG dito at marahil nakikilala narin sila. Hindi man ito tulad ng ibang BLOG na nabasa mo na , masaya parin ako dahil isa sa mga BLOG ko ang pinagtyagaan mong basahin. kaya naman nag-papasalamat ako sa iyo. nais kong gamitin ang simple at malawak kong kaisipan at karanasan sa lahat lahat ng bagay sa aking buhay, nais kong ibahagi sa lahat ng mambabasa ang laman ng aking kaisipan.

Maraming Salamat sa iyo kaibigan!!