Linggo, Disyembre 7, 2014

Hanggang Saan aabot ang RA 9003?



Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang sino mang indibidwal na lalabag sa kanilang probisyon sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act. Ay mag-mumulta ng 500 pesos hanggang sa 1000 pesos lalo na kung ito ay repeat offender, o sila ay magco-community service kung sila ay hindi makaka pag-bayad ng nasabing multa. Kaya naman ang mga environment cop ay itinalaga sa mga partikular na lugar tulad ng LRT-MRT station na kung saan ay maraming mga tao. Maging sa mga commercial area.

Bagay na maaring makatulong sa ikakaayos ng kapaligiran at pag-didisiplina ng mga tao patungkol sa walang habas na pag-tatapon ng basura. Sa batas na ito maaring maimulat ang mga tao na ang bawat panukalang batas tulad nito ay nag-lalayung paigtingin ang pag-kakaroon ng disiplina lalong lalo na sa ikakaganda ng kapaligiran.

Pero sa ilang taon ko na din dito sa kamaynilaan ay may iilang bagay din ako na sana ay mapansin din ng kinauukulan, na para sa akin ay madali naman gawin at pangaralan para mahinto lang ang ganitong maduming gawain sa kapaligiran. Tulad ng nasa larawan, hindi ba't maituturing kalat din yan? Kalat na kung saan saan makikita na lang, kalat na kung saan ay lantaran na idinidikit ng paulit ulit lang, kalat na ilang taon ko na din napag-mamasdan.

Saan ba umiiral ang batas na RA 9003? Sa LRT-MRT station lang ba?na kung saan na huhuliin at pag-mumultahin ng 500 o 1000 ang nahuliang nagtapon o nakapag-tapon ng basura sa daan. Pero paano naman po itong nasa larawan, hindi ba't maituturing kalat na tila ba nakadikit na lamang sa poste at mga pader tulad nyan? lantarang idinidikit at hahayaan na lang na mabulok at maluma na tulad nyan at kung papansinin nyu pa “URGENT HIRING “ daw, hindi ba't may impormasyon na nakalakip diyan, bakit hindi yan tawagan o puntahan man lang ng kinauukulan upang personal na kausapin ang indibidwal na yan o kompanya na hinahayaang mag-dikit at mag-kalat ng papel tulad ng sa larawan na yan. Hindi ba't nakakapangit yan sa kapaligiran? 



Hindi ba sila sakop sa probisyon ng MMDA sa RA 9003? at kung may batas man na umiiral laban sa ganyan, bakit patuloy parin sila sa pag-didikit ng mga ganyan kahit saan? Nasubukan na kaya ng MMDA na gumawa ng paraan ukol dyan kahit kausapin man lang ang kompanya na iyan o hanggang ngayon wala silang pakialam o walang alam ukol dyan? Pero bakit kaya?

Kung ang ilang indibidwal ay nakakalimot sa batas na yan lalo na ang baguhan lang sa maynila na kung saan ay hindi sinasadya o sinadya na mag-kalat ay pag-mumultahin agad ng 500 o 1000 pesos bilang isang multa sa pag-kakalat, bakit hindi din ito gawin sa mga adik na nag-didikit ng post hiring tulad ng nasa larawan na yan? Sigurado malilinis ang buong kamaynilaan kung ang mga kompanyang nag-didikit na yan ay magco community service para diyan.

At sana lagyan din ng mga basurahan ang mga iilang lugar na dinadaanan ng mga tao, may mga ibang lugar kasi na halos nasa daan na lamang yung mga kalat, tulad ng balat ng candy, ticket ng bus, resibo, at malilit na sigarilyo at iba pa. Na pwede naman sanang itapon sa tamang basurahan, O mas epektibo kung sakaling may mga MMDA na taga pag-salita sa mga tao na nag-sasabi na bawal mag-kalat at itapon sa tamang basurahan ang mga kalat. kahit naman siguro ay may mga diseplenado paring mga tao na mag-tatapon parin ng mga basurahan sa tamang lagayan nito.

At kung sino man ang mahuhuling mag-tatapon ng kalat sa daan ay siyang sisitahin at ipapapulot sa indibidwal na ito at uutusang itapon mismo ang kalat sa tamang basurahan upang mag-silbing halimbawa siya sa mga lalabag sa batas na ito.

At sana bigyan ng autoridad ang alin mang pamayaman, tahanan at business establishment na
huliin ang sino mang mag-didikit ng kahit anong poster at mag babandalize sa mga poste at pader na kanilang nasasakupan, upang sa ganun ay masupil ang sino mang mahilig mag-dikit at mag bandalize ng basta basta na lamang sa kanilang mga private property. O kahit aksyunan man lang sana agad agad ng mga PULIS at MMDA na umaksyun sa mga sumbong ng mga tao kung sila ay makakahuli ng mga ganitong indibidwal.

kung papansinin ang bawat larawan, hindi ba't kahit ang mga hotel tulad ng sogo at selenna ay nag-didikit din, na kung saan ay maituturing din silang malaking kompanya na walang habas na nag-didikit ng poster kahit saan, pero dahil sa walang batas na nang-huhuli o nag-mumulta sa kanila, patuloy parin sila sa pag-didikit kahit saan kaya kahit ang mga ibang maliliit na kompanya ay gumagaya na din at hahayaan mag dikit at lumuma ang mga ito at hindi mag-tatagal na tila ba mga kalat na basura ang nakadikit na lang sa mga pader o poste tulad ng mga nasa larawan.


Mr.  Chairman Francis Tolentino, saan ho ba umiiral ang RA 9003 ninyo? 
kung ang ilang indibidwal na pinag-mumulta niyo ng 500 at 1000 dahil sila ay nag-kalat at dagdag pa nito ay may panukala pa na itatala pa sa NBI clearance ang kanilang kaso kung sakali man sila ay hindi naka pag-bayad o nag community service? Diyan mismo sa mga larawan na nakikita niyo maituturing excuse ba yan para hindi lang mag-bayad sa nasabing multa at mag bibigay ng community service na kung saan ito ay napapaloob sa inyong batas na RA 9003? Maaring hindi siguro sila sakop ng RA 9003, ano kayang batas ang pwedeng isabatas pa ng kinauukulan para mahinto lang ang mga yan, pero bakit kailangan pa ng batas kung ang tungkulin ng kinauukulan ay ang pag-sasaayus at pag-papaganda ng kapaligiran.

Sa bawat pag gawa ng batas o kahit alin man probisyon na tumutukoy sa kahit anu mang panukala para lamang sa pag-sunod ng bawat indibidwal, sana suportado ito ng gobyerno at kinauukulan ng anu mang departamento. tulad ng mga batas na inilulunsad ng gobyerno na tumutukoy sa pag-sasaayus ng basura o ang pag-hiwahiwalay nito, at tulad halimbawa din ng RA 9003 ay tumatalakay sa mga basurang naitatapon sa mga partikular na lugar, at may kaparusahang multa o community service para sa mga lalabag dito.

Pero sa  aking mga naibanggit at nailarawan sa inyo, sana MMDA may pag-babagong magawa sana ang kinauukulan laban dito, kung sakali mang mag-papatuloy ang mga imahe na yan sa kabuuan ng metro manila, anu mang batas ukol dito at  ang RA 9003 na probisyon kuno ng MMDA, ay sa bandang huli ay nakakatawa na lang.



Sabado, Abril 26, 2014

Sundo para sa mga pasahero.



Abril Dise-siyete taong dalawampong libo't labing apat, maaga akong nagising para makarating sa Cubao Terminal, dahil alam ko na maraming pasaherong mag-sisiuwian tulad ko sa kanilang probinsiya. Mga ilang minuto din ako nag-lakad lakad sa loob ng Five Star terminal sa cubao para makahanap ng isang bus na mag-tutungo sa Dagupan na kung saan ay dadaan sa probinsiya namin sa Tarlac. Nag-kita pa nga kami doon ng dati kong classmate sa College na si Mark, pero nag-hiwalay din kami dahil pareho kami nag-hahanapan ng bus na masasakyan, lumabas ako ng terminal para doon na lamang sa tabi ng highway ako mag-aabang ng bus, sa kabutihang palad may isang Fermina Bus ang nakahinto, kaya naman agad akong lumapit doon kahit, may mga iilang pasahero ang sumasakay, may isa pa nga MMDA employee na andoon at ipanapatabi ang bus sa gilid, para hindi daw nakaharang sa daan ang bus na iyon, kaya naman bago mag-sara ang pintuan ng Bus ay nakasakay na ako.

Maswerte narin ako dahil sa harap ako nakapwesto, kahit na nakatayo ako doon buti na lang may mga maliliit na upuan ang Bus na iyon at ginamit ko para makaupo ako sa harap ng bus na kahit pa sinasabi ng driver na bawal daw dun umupo sa tabi ng driver pero sabi ko wala na din ako ma pwestuhan sa bandang loob dahil may mga taong nakatayo narin, kahit iginigiit pa ulit niya na bawal umupo at masisita daw sila ng MMDA pero sabi ko ulit, na sa ganitong sitwasyun na uwian ng mga tao ay maaring maunawaan nila na kahit punuan na ang bus ay may mga iilang pasahero na magtiya tiyaga na makasakay kahit nakatayo pa, makauwi lang sa kanilang probinsiya.

Ngayon na nasa simula na kami ng biyahe ay tanaw namin ang mga iilang pasahero along edsa hanggang sa Balintawak highway ay marami ding mga pasahero ang nag-aabang sa masasakyang bus, subalit dahil sa puno na ang mga bus namin ganun din sa iba ay hindi sila maisakay. Makikita mo talaga sa mga pasaherong ito ang kasabikan makauwi sa kanilang probinsiya, mga pasaherong bitbit pa ang kanilang mga pasalubong at mga maliliit na anak, ang mga ilan pa nga ay buntis at mga matatanda.
Na matiyagang nag-aantay at umaasang may masakyang bus pero sa ganitong sitwasyun na talagang uwian ng maraming tao ay talagang hindi mo alam kung anong oras ka makakasakay ng bus o kaya hindi mo alam kung may masasakyan ka pang bus pauwi ng iyong probinsiya, nakakalungkot man isipin pero yan ang realidad taon taon sa ating bansa sa tuwing sasapit ang mga ganitong tradisyunal na okasyun.

Tanong ko lang nasaan kaya ang mga hinalal nating mga opisyales ng Gobyerno? Habang ang mga taong bumoto sa kanila ay halos nahihirapan sa pag-sakay ng bus makauwi lamang sa kanilang probinsiya, nasaan kaya sila sa mga panahon na talagang kailangan na agarang tulong at resolusyun sa ganitong sitwasyun na kung saan maraming mga tao ang talagang nahihirapan sa pag-sakay, dahil hindi naman lahat ng mga Bus eh naisasakay ang mga pasaherong pauwi sa kanilang probinsiya. At matagal pa ang balik nito ulit sa maynila gawa din ng trapiko kahit na mismo sa NLEX o SCTEX nito. bagamat hindi nga sila ang mga nakatalaga doon upang isaayos ang daloy ng trapiko pero sa ganoon sitwasyon ay utang na loob naman sana man lang ay may makapansin sa amin na nahihirapan makausad ang mga sasakyan sa loob ng NLEX at maraming mga pasaherong hindi makasakay ng bus. Nasaan na yung mga kasabihan ng mga pulitiko na “BAYAN MUNA BAGO ANG SARILI.” eh tila yata sarili na nila ang inuuna na nila sa pag-bakasyun eh.

Abril dise-sais taong kasalukuyan, umuwi ako galing sa trabaho, at mula sa Boni kung saan ay sumakay ako ng bus ng Cubao fastlane, at mula doon ay may mga pasahero din na nagtiya tiyagang mag-hintay ng masasakyang bus, siksikan at punuan ang karamihang bus na dumadaan sa amin bago pa man ako makasakay ng bus. Buti na lang ay nakasingit ako sa isang bus kahit pa na maipit at mainit ay nag-tiyaga ako, makauwi lang sa bahay.

Tulad ng dati sakit talaga sa edsa ang ganitong sitwasyun na makakakita ka ng maraming pasahero na nag-aabang ng masasakyan, kung pag-mamasdan mo ng mabuti ang bawat hitsura at kalagayan ng iba ay talagang maaawa ka at maiinis dahil ganun na lang palagi ang sitwasyun pag-sumasapit ang ganitong taonang tradisyun, at sa desperas pa lamang o bago sumapit ang mga araw tulad ng Undas, Pasko at bagong taon, bakasyon at mahal na araw, National at Brgy. Election, na kung saan sa mga panahon ng mga ito ay dumadanas kami ng masikip na trapiko at walang masakyang bus pauwi at kung sa kunting ambon lamang ay nagiging sanhi na ng trapiko sa edsa lalo pa kaya kung ang ulan ay naging bagyo pa. Mapapamura ka talaga at lahat yata ng santo ay tatawagin mo na para lang mag-karoon ng himala makasakay ka lamang ng bus. Pero imposible kung ang mga taong hinalal mo ay naka relax na sa kanilang mga tahanan, kumakain kasama ang pamilya o kaya naman ay naka bakasyun pa sa ibang bansa, gamit ang pera ng masa ay talagang walang mangyayari at ni isa man lang sa kanila ay hindi tumayo para mapansin ang ganitong suliranin.

Sa mga malalaking SM's at Robinson at ibat ibang mall's, tulad halimbawa ng SM Megamall at SM North Edsa maging ang Robinson Galleria sa Ortigas isama mo na ang Cubao farmers na kung saan ay mga partikular na lugar na gaya nito ay siyang kakikitaan ng maraming pasahero na nag-aabang ng mga masasakyang bus, sa tuwing sumasapit ang mga tradisyunal na okasyon tulad ng mga nasabi ko na kanina.
Kaya Ginoong John Gokongwie at Ginoong Henry Sy baka pwede pong mula sa inyong malalaking tindahan ay gumawa kayo ng paraan, na sana mag provide kayo o sa salitang tagalog ay makapag bigay sana kayo ng bus na nakaabang na sa parking space nyu o kahit saan mang lugar na nasasakupan ng inyong malaking tindahan na makakapag sakay man lang sana ng mga naging kustomer niyo pauwi sa kanilang uuwian, ganun din ang mga masisipag ninyong empleyado na umuuwi din pag-katapos makapag bigay ng serbisyo sa nag-lalakihan ninyong tindahan. Dahil maging ang mga empleyado ninyo ay isa sa mga pasaherong nahihirapan din makasakay pauwi.
Dahil kahit pa na huminto ang mga bus sa inyong loading and unloading station ay hindi sapat ito para maisakay sila dahil sa ayala palang ay puno na ang mga bus na ito, kaya naman ang mga pasaherong nag-aabang mula sa inyong tindahan ay hindi din makasakay. Sa mga panahong ito sa kahabaan ng edsa ay may makikita din kayo na mga pasahero na halos mag-makaawa na sa kakakaway ng bus para mapansin sila at minsan pa nga ay sinasalubong nila ang bus, pag-alam nilang hihinto ito o minsan naman ay hahabulin nila ang bus kung saan ito hihinto. Kahit matanda, buntis, at bata maging ang mga empleyado ay talagang ganito ang gagawin makasakay at makauwi lang lalo na kung ganito karami ang pasaherong sumasakay ng bus.
Simple lang naman, para sa mga milyonaryong negosyanteng tulad niyo, sana pansinin nyu din ang ganyang sitwasyun na sinasakupan sa lahat ng inyong tindahan, na kung maari sana ay bigyan nyu na agad ng mga masasakyan ng bus o kahit SUV maihatid lamang ang mga ito pauwi sa kanila. Ayukong umasa pero sana gawin nyu po ito mga ginoo o mga kinauukulang namamahala sa mga SM at Robinson, at sa mga iba oang nag-lalakihang Mall.

Balik ulit tayo sa NLEX na kung saan ay talagang hindi mahulugang karayum ang kalagayan ng mahabang daanan dun, na kung saan ay hindi mo makikita mula sa himpapawid ang kulay puting pintura na nakaguhit sa gitna ng highway ng NLEX, sa north bound lane ng nasabing expressway na bumabagtas patungong probinsiya ng Bulacan, at sa papalabas ng toll gate patungong probinsiya ng Pampanga, Tarlac, Dagupan, Pangasinan at Baguio, o sa maikling sabi ay SCTEX, At sa kalagitnaan sa ilalim ng apoy ng araw ay nakakaawang pag-masdan ang mga ordinaryong bus na punu ng mga pasahero na halos siksikan na sa loob kasama na ang mga malilit na batang sanggol at maaring may iilang matanda na may sakit ay talagang mararamdaman mo din ang kanilang pag-hihirap sa loob ng bus na iyon, sayang nga lang ay hindi ko makuhanan ng letrato man lang ang kanilang lagay ng mga oras na yaon.
Sa mga oras na yan ang mga opisyales ng Gobyerno ay nag-tatampisaw na sa swimming pool nila, kumakain ng masasarap na pag-kain kapiling ang buong pamilya, ni hindi man lang nakaranas na tumagal sa biyahe dahil bago pa lang sumapit ang bawat bakasyon tulad nito, ay sila na ang nauunang nawawala sa opisina dahil sa maagang pag-babakasyun.

Habang nasa harapan ako ng bus nakaupo malapit sa driver, ay kitang kita ko ang mga mararaming sasakyan sa paligid, ang iba pa nga ay talagang dun na mismo dumadaan sa isang gilid ng highway na lupa at damuhan na ang kanilang dinadaanan kaya naman alikabok to the maxx ang resulta sa daan, At sa nakikitang kong maaring solusyon man lang dito ay sana buksan ang isang daanan ng U-turn slot na ang tanging harang lamang ay ang plastic na barrier na patatsulok ang hugis na may kulay orange, na kung pwede sana ay dito na lang muna dumaan pang-samantala ang mga ordinary at aircondition na bus hanggang sa umabot ito sa teller ng toll gate na mag-lalabas sa kanila doon sa expressway, kumbaga ay magka-counter flow ang mga bus na ito para makabawas sa dami at sikip sa daloy ng trapiko sa kabilang linya ng nasabing expressway. Kung ang mga bus na ito ay lumalabas sa counter na EASY TRIP na kung saan ay nasa bandang kanan ng tollgate palabas ng NLEX ay maaring ikunsindera kahit man lang sa ganoong sitwasyon na ilabas sila sa sa expressway na iyon. Siguro naman ay mauunawan ng mga iilang motorista na dumadaan sa kabilang linya ng sounthbound lane ng expressway kung bakit doon dumadaan ang mga bus patungo ng probinsiya, dahil ang mga bus na ito ay ang siyang nag-sasakay at nag-hahatid ng mga pasahero sa kanilang probinsiyang uuwian. Kahit dito man lang sana ay maitawid ng maayos ang mga bus na ito, dahil ang southbound lane ng mga oras na iyon ay iilang sasakyan lamang ang dumadaan doon tulad na lamang noong araw ng April 17, 2014 simula ng araw ng mahal na araw. At ganun din ulit sana para sa mga pabalik naman sa manila galing sa probinsiya, at kung hindi man ito masusunod o hindi pwede gawin ay sana gumawa sila ng paraan para kahit paanu ay makausad ang mga sasakyan papasok at papalabas ng NLEX at saan man parte ng expressway na nakakaranas ng ganitong usad pagong na trapiko.

At para sa mga hinalal nating Mayor, Vice Mayor at Bise Gobernador at Gobernador ng mahal nating probinsiya tulad ng Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Dagupan, La Union at Baguio ay sana nababasa nila ito. At sana man lang ay tugunan nila ang ganitong taonang suliranin ng kanilang kababayan.

Dau Mabalacat terminal, pag-katapos ng usad pagong at mahaba habang pag-lalakbay sa NLEX ay nakarating din kami sa terminal na ito, tulad ng taonang sitwasyon ay marami paring mga pasahero ang nag-aabang doon ng kanilang masasakyan patungo man sa Manila o sa Probinsiya. Ang mga bata ay nag-iiyak na sa inip at init na nararanasan, ang mga iilang matatanda ay nasa isang tabi na lang at nakaupo at naisip ko na lang na makakasakay pa ba kaya sila ng bus kung ganito na lang lagi ang sitwasyon sa tuwing sasapit ang bakasyon? Aba aba mga hinalal naming opisyales ng aming mahal na bayan, baka naman ang simpleng problema na ito ay baka nais ninyong tugunan man lang.

Baka pwede po namang sunduin ninyo ang inyong mga kababayan mula sa mga terminal na ito halimbawa kung hindi niyo lubos maunawaan ang aking sinasabi ay ganito ang simpleng hiling mula sa tulad kong pasahero. Una itatak ninyo na sa inyong kalendaryo ang mga ganitong tradisyunal na okasyon at ipasok nyu sa isipan niyo na tulungan na ihatid at sunduin ang mga pasahero halimbawa na lamang sa Dau terminal na ang mga iilang pasahero doon ay nag-aabang ng masasakyan pauwi ng Manila maging sa mga probinsiya ng Tarlac, Pangasinan, La Union, Dagupan at Baguio.

Halimbawa. Sa Dau terminal na talagang bagsakan ng mga pasahero na kung saan ay may mga taong papauwi sa Manila at yung iba naman ay sa Probinsiya. Diyan pa lang sana ay bigyan na sila ng masasakyan na bus maihatid lamang sila sa kanilang pupuntahan, ganun din sa mga ibat ibang parte ng probisniya na merun mga terminal na pinag-tatagpuan ng mga pasaherong pasakay sa kanilang tutunguhan.

Uulitin ko po ulit, na sana sa ganitong sitwasyun sa ating probinsiya na kung saan ay hindi naman talamak ang trapiko di tulad sa edsa, ay sana kung maari ay tanawin nyu naman po kami sa aming kalagayan, puntahan niyo ang bawat partikular na daanan na kakikitaan ng mga pasahero na nag-nanais makasakay ng bus at kung maaari sana ay pwedeng ihatid hanggang sa Maynila kung saan ay pwede na doon ibaba at mula doon ay sasakay na sila ng bus patungo sa kanilang pupuntahan.
Ganun din po sana pag-katapos ng bakasyun ay patuloy ninyong ihatid at sunduin ang mga kababayan ninyo na nag-tatrabaho sa kalapit probinsiya tulad halimbawa ng La Union to Pangasinan o kaya naman Tarlac to pampanga na halos isang oras lamang ang pagitan ng biyahe mula sa kanilang pinapasukang kompanya.

Dahil tulad ng iba ay nakapag trabaho na din po ako sa Pampanga na kung saan ay nakakaranas ako na ma-late sa trabaho gawa ng walang masakyan na bus dahil sa siesta palang ay puno na ang bus kaya hindi na sila nag-sasakay pa ng pasahero, at kung sakali man na nakasakay na ako ng bus ang mga partikular na lugar na nadadaanan ko tulad ng San Miguel, Capas Caltex yung pinag-lilikuan ng bus papuntang concepcion at ang Brgy. Santiago ay may mga pasahero din na nag-aabang ng masasakyan at mga empleyado na halos ma-late na sa kakaantay ng masasakyang bus, dahil mula pa lamang sa amin sa tarlac ay punu na ang mga bus na ito. Maging sa aking pag-uwi sa Dau terminal ay minsan hindi din ako makasakay pauwi ng tarlac gawa nga ng madalang ang pag-dating ng mga bus mula sa maynila at kung may darating man ay punu narin ang mga ito. At alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganitong sitwasyun sa tuwing sasapit ang taonang tradisyunal na bakasyun na kung saan ay uwian ng mga taong taga probinsiya.
Minsan pa nga ay pag-katapos ng ganitong taonang bakasyun ay doon din kami nakakaranas ng pahirapan makasakay ulit ng bus pabalik naman sa aming pinagta trabahuhan partikular na dito sa Maynila. At Halimbawa narin ang mga Tarlaquenio na nagta trabaho sa Pampanga kung saan ang tanging transportasiyon nila na makapasok at makauwi lamang galing sa trabaho, ay ang bus.

At dahil nakatuon ang mensahe na ito sa pag-bibigay man lang ng masasakyan bus para sunduin man lang sana ang mga pasaherong na stranded o hindi makasakay papasok at pauwi, ay wag po kayong mag-alala hindi ko naman po sinasabi na ilibre niyo kami ng pamasahe kung matutupad man ang tulong gaya ng sinasabi ko, handa naman po kami mag bayad basta nasa katwiran at tamang presyo laang.

Mapa telebisyon, radyo, magazine at diyaryo maging ang mga social website tulad ng facebook ay nag-lalaman ng mga imahe at mensahe na nag-papakita ng tunay na estado o kalagayan ng mga pasahero na ibinabalita sa mga una kong nabanggit, pero tila yata wala sa mga hinalal nating matatalinong opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang nakakapansin man lang sa ganitong suliranin.

Hindi ko po ito sinasabi para sa sarili kong interes o pasikat lang, mas lalong hindi ako pulitiko na nag-papansin lang, isa lang akong ordinaryong pasahero na nakakaranas ng ganitong sitwasyun sa tuwing sumasapit ang mahahalagang bakasyun. Bagamat wala man akong larawan na mag-papakita ng mga suliranin tulad ng mga nabanggit ko kanina ay sapat na ang aking karanasan upang mailathala ko ang aking pag-puna sa ganitong sitwasyun ng ating mga kababayan.

Humihiling na sana ay mapaabot ito sa mga kinauukulan at matugunan ang bawat pangangailangan tulad nito. Maibigay ang serbisyo sa publiko sa lahat ng oras ng sitwasyun gaya ng mga nasasabi ko kanina. At inaalay ko ang mensahe na ito hindi lamang sa mga ordinaryong tao tulad ko, para narin ito sa mga hinalal naming mamuno sa aming Mahal na Bayan.

Maraming salamat po!!