Abril Dise-siyete taong
dalawampong libo't labing apat, maaga akong nagising para makarating
sa Cubao Terminal, dahil alam ko na maraming pasaherong mag-sisiuwian
tulad ko sa kanilang probinsiya. Mga ilang minuto din ako nag-lakad
lakad sa loob ng Five Star terminal sa cubao para makahanap ng isang
bus na mag-tutungo sa Dagupan na kung saan ay dadaan sa probinsiya
namin sa Tarlac. Nag-kita pa nga kami doon ng dati kong classmate sa
College na si Mark, pero nag-hiwalay din kami dahil pareho kami
nag-hahanapan ng bus na masasakyan, lumabas ako ng terminal para doon
na lamang sa tabi ng highway ako mag-aabang ng bus, sa kabutihang
palad may isang Fermina Bus ang nakahinto, kaya naman agad akong
lumapit doon kahit, may mga iilang pasahero ang sumasakay, may isa pa
nga MMDA employee na andoon at ipanapatabi ang bus sa gilid, para
hindi daw nakaharang sa daan ang bus na iyon, kaya naman bago
mag-sara ang pintuan ng Bus ay nakasakay na ako.
Maswerte narin ako dahil
sa harap ako nakapwesto, kahit na nakatayo ako doon buti na lang may
mga maliliit na upuan ang Bus na iyon at ginamit ko para makaupo ako
sa harap ng bus na kahit pa sinasabi ng driver na bawal daw dun umupo
sa tabi ng driver pero sabi ko wala na din ako ma pwestuhan sa
bandang loob dahil may mga taong nakatayo narin, kahit iginigiit pa
ulit niya na bawal umupo at masisita daw sila ng MMDA pero sabi ko
ulit, na sa ganitong sitwasyun na uwian ng mga tao ay maaring
maunawaan nila na kahit punuan na ang bus ay may mga iilang pasahero
na magtiya tiyaga na makasakay kahit nakatayo pa, makauwi lang sa
kanilang probinsiya.
Ngayon na nasa simula na
kami ng biyahe ay tanaw namin ang mga iilang pasahero along edsa
hanggang sa Balintawak highway ay marami ding mga pasahero ang
nag-aabang sa masasakyang bus, subalit dahil sa puno na ang mga bus
namin ganun din sa iba ay hindi sila maisakay. Makikita mo talaga sa
mga pasaherong ito ang kasabikan makauwi sa kanilang probinsiya, mga
pasaherong bitbit pa ang kanilang mga pasalubong at mga maliliit na
anak, ang mga ilan pa nga ay buntis at mga matatanda.
Na matiyagang nag-aantay
at umaasang may masakyang bus pero sa ganitong sitwasyun na talagang
uwian ng maraming tao ay talagang hindi mo alam kung anong oras ka
makakasakay ng bus o kaya hindi mo alam kung may masasakyan ka pang
bus pauwi ng iyong probinsiya, nakakalungkot man isipin pero yan ang
realidad taon taon sa ating bansa sa tuwing sasapit ang mga ganitong
tradisyunal na okasyun.
Tanong ko lang nasaan
kaya ang mga hinalal nating mga opisyales ng Gobyerno? Habang ang mga
taong bumoto sa kanila ay halos nahihirapan sa pag-sakay ng bus
makauwi lamang sa kanilang probinsiya, nasaan kaya sila sa mga
panahon na talagang kailangan na agarang tulong at resolusyun sa
ganitong sitwasyun na kung saan maraming mga tao ang talagang
nahihirapan sa pag-sakay, dahil hindi naman lahat ng mga Bus eh
naisasakay ang mga pasaherong pauwi sa kanilang probinsiya. At
matagal pa ang balik nito ulit sa maynila gawa din ng trapiko kahit
na mismo sa NLEX o SCTEX nito. bagamat hindi nga sila ang mga
nakatalaga doon upang isaayos ang daloy ng trapiko pero sa ganoon
sitwasyon ay utang na loob naman sana man lang ay may makapansin sa
amin na nahihirapan makausad ang mga sasakyan sa loob ng NLEX at
maraming mga pasaherong hindi makasakay ng bus. Nasaan na yung mga
kasabihan ng mga pulitiko na “BAYAN MUNA BAGO ANG SARILI.” eh
tila yata sarili na nila ang inuuna na nila sa pag-bakasyun eh.
Abril dise-sais taong
kasalukuyan, umuwi ako galing sa trabaho, at mula sa Boni kung saan
ay sumakay ako ng bus ng Cubao fastlane, at mula doon ay may mga
pasahero din na nagtiya tiyagang mag-hintay ng masasakyang bus,
siksikan at punuan ang karamihang bus na dumadaan sa amin bago pa man
ako makasakay ng bus. Buti na lang ay nakasingit ako sa isang bus
kahit pa na maipit at mainit ay nag-tiyaga ako, makauwi lang sa
bahay.
Tulad ng dati sakit
talaga sa edsa ang ganitong sitwasyun na makakakita ka ng maraming
pasahero na nag-aabang ng masasakyan, kung pag-mamasdan mo ng mabuti
ang bawat hitsura at kalagayan ng iba ay talagang maaawa ka at
maiinis dahil ganun na lang palagi ang sitwasyun pag-sumasapit ang
ganitong taonang tradisyun, at sa desperas pa lamang o bago sumapit
ang mga araw tulad ng Undas, Pasko at bagong taon, bakasyon at mahal
na araw, National at Brgy. Election, na kung saan sa mga panahon ng
mga ito ay dumadanas kami ng masikip na trapiko at walang masakyang
bus pauwi at kung sa kunting ambon lamang ay nagiging sanhi na ng
trapiko sa edsa lalo pa kaya kung ang ulan ay naging bagyo pa.
Mapapamura ka talaga at lahat yata ng santo ay tatawagin mo na para
lang mag-karoon ng himala makasakay ka lamang ng bus. Pero imposible
kung ang mga taong hinalal mo ay naka relax na sa kanilang mga
tahanan, kumakain kasama ang pamilya o kaya naman ay naka bakasyun pa
sa ibang bansa, gamit ang pera ng masa ay talagang walang mangyayari
at ni isa man lang sa kanila ay hindi tumayo para mapansin ang
ganitong suliranin.
Sa mga malalaking SM's at Robinson at ibat ibang mall's,
tulad halimbawa ng SM Megamall at SM North Edsa maging ang Robinson Galleria sa
Ortigas isama mo na ang Cubao farmers na kung saan ay mga partikular
na lugar na gaya nito ay siyang kakikitaan ng maraming pasahero na
nag-aabang ng mga masasakyang bus, sa tuwing sumasapit ang mga
tradisyunal na okasyon tulad ng mga nasabi ko na kanina.
Kaya Ginoong John
Gokongwie at Ginoong Henry Sy baka pwede pong mula sa inyong
malalaking tindahan ay gumawa kayo ng paraan, na sana mag provide
kayo o sa salitang tagalog ay makapag bigay sana kayo ng bus na
nakaabang na sa parking space nyu o kahit saan mang lugar na
nasasakupan ng inyong malaking tindahan na makakapag sakay man lang
sana ng mga naging kustomer niyo pauwi sa kanilang uuwian, ganun din
ang mga masisipag ninyong empleyado na umuuwi din pag-katapos makapag
bigay ng serbisyo sa nag-lalakihan ninyong tindahan. Dahil maging ang
mga empleyado ninyo ay isa sa mga pasaherong nahihirapan din
makasakay pauwi.
Dahil kahit pa na huminto
ang mga bus sa inyong loading and unloading station ay hindi sapat
ito para maisakay sila dahil sa ayala palang ay puno na ang mga bus
na ito, kaya naman ang mga pasaherong nag-aabang mula sa inyong
tindahan ay hindi din makasakay. Sa mga panahong ito sa kahabaan ng
edsa ay may makikita din kayo na mga pasahero na halos mag-makaawa na
sa kakakaway ng bus para mapansin sila at minsan pa nga ay
sinasalubong nila ang bus, pag-alam nilang hihinto ito o minsan naman
ay hahabulin nila ang bus kung saan ito hihinto. Kahit matanda,
buntis, at bata maging ang mga empleyado ay talagang ganito ang
gagawin makasakay at makauwi lang lalo na kung ganito karami ang
pasaherong sumasakay ng bus.
Simple lang naman, para
sa mga milyonaryong negosyanteng tulad niyo, sana pansinin nyu din
ang ganyang sitwasyun na sinasakupan sa lahat ng inyong tindahan, na
kung maari sana ay bigyan nyu na agad ng mga masasakyan ng bus o
kahit SUV maihatid lamang ang mga ito pauwi sa kanila. Ayukong umasa
pero sana gawin nyu po ito mga ginoo o mga kinauukulang namamahala sa
mga SM at Robinson, at sa mga iba oang nag-lalakihang Mall.
Balik ulit tayo sa NLEX
na kung saan ay talagang hindi mahulugang karayum ang kalagayan ng
mahabang daanan dun, na kung saan ay hindi mo makikita mula sa
himpapawid ang kulay puting pintura na nakaguhit sa gitna ng highway
ng NLEX, sa north bound lane ng nasabing expressway na bumabagtas
patungong probinsiya ng Bulacan, at sa papalabas ng toll gate
patungong probinsiya ng Pampanga, Tarlac, Dagupan, Pangasinan at
Baguio, o sa maikling sabi ay SCTEX, At sa kalagitnaan sa ilalim ng
apoy ng araw ay nakakaawang pag-masdan ang mga ordinaryong bus na
punu ng mga pasahero na halos siksikan na sa loob kasama na ang mga
malilit na batang sanggol at maaring may iilang matanda na may sakit
ay talagang mararamdaman mo din ang kanilang pag-hihirap sa loob ng
bus na iyon, sayang nga lang ay hindi ko makuhanan ng letrato man
lang ang kanilang lagay ng mga oras na yaon.
Sa mga oras na yan ang
mga opisyales ng Gobyerno ay nag-tatampisaw na sa swimming pool nila,
kumakain ng masasarap na pag-kain kapiling ang buong pamilya, ni
hindi man lang nakaranas na tumagal sa biyahe dahil bago pa lang
sumapit ang bawat bakasyon tulad nito, ay sila na ang nauunang
nawawala sa opisina dahil sa maagang pag-babakasyun.
Habang nasa harapan ako
ng bus nakaupo malapit sa driver, ay kitang kita ko ang mga
mararaming sasakyan sa paligid, ang iba pa nga ay talagang dun na
mismo dumadaan sa isang gilid ng highway na lupa at damuhan na ang
kanilang dinadaanan kaya naman alikabok to the maxx ang resulta sa
daan, At sa nakikitang kong maaring solusyon man lang dito ay sana
buksan ang isang daanan ng U-turn slot na ang tanging harang lamang
ay ang plastic na barrier na patatsulok ang hugis na may kulay
orange, na kung pwede sana ay dito na lang muna dumaan pang-samantala
ang mga ordinary at aircondition na bus hanggang sa umabot ito sa
teller ng toll gate na mag-lalabas sa kanila doon sa expressway,
kumbaga ay magka-counter flow ang mga bus na ito para makabawas sa
dami at sikip sa daloy ng trapiko sa kabilang linya ng nasabing
expressway. Kung ang mga bus na ito ay lumalabas sa counter na EASY
TRIP na kung saan ay nasa bandang kanan ng tollgate palabas ng NLEX
ay maaring ikunsindera kahit man lang sa ganoong sitwasyon na ilabas
sila sa sa expressway na iyon. Siguro naman ay mauunawan ng mga
iilang motorista na dumadaan sa kabilang linya ng sounthbound lane ng
expressway kung bakit doon dumadaan ang mga bus patungo ng
probinsiya, dahil ang mga bus na ito ay ang siyang nag-sasakay at
nag-hahatid ng mga pasahero sa kanilang probinsiyang uuwian. Kahit
dito man lang sana ay maitawid ng maayos ang mga bus na ito, dahil
ang southbound lane ng mga oras na iyon ay iilang sasakyan lamang ang
dumadaan doon tulad na lamang noong araw ng April 17, 2014 simula ng
araw ng mahal na araw. At ganun din ulit sana para sa mga pabalik
naman sa manila galing sa probinsiya, at kung hindi man ito masusunod
o hindi pwede gawin ay sana gumawa sila ng paraan para kahit paanu ay
makausad ang mga sasakyan papasok at papalabas ng NLEX at saan man
parte ng expressway na nakakaranas ng ganitong usad pagong na
trapiko.
At para sa mga hinalal
nating Mayor, Vice Mayor at Bise Gobernador at Gobernador ng mahal
nating probinsiya tulad ng Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Dagupan, La
Union at Baguio ay sana nababasa nila ito. At sana man lang ay
tugunan nila ang ganitong taonang suliranin ng kanilang kababayan.
Dau Mabalacat terminal,
pag-katapos ng usad pagong at mahaba habang pag-lalakbay sa NLEX ay
nakarating din kami sa terminal na ito, tulad ng taonang sitwasyon ay
marami paring mga pasahero ang nag-aabang doon ng kanilang masasakyan
patungo man sa Manila o sa Probinsiya. Ang mga bata ay nag-iiyak na
sa inip at init na nararanasan, ang mga iilang matatanda ay nasa
isang tabi na lang at nakaupo at naisip ko na lang na makakasakay
pa ba kaya sila ng bus kung ganito na lang lagi ang sitwasyon sa
tuwing sasapit ang bakasyon? Aba aba mga hinalal naming opisyales
ng aming mahal na bayan, baka naman ang simpleng problema na ito ay
baka nais ninyong tugunan man lang.
Baka pwede po namang
sunduin ninyo ang inyong mga kababayan mula sa mga terminal na ito
halimbawa kung hindi niyo lubos maunawaan ang aking sinasabi ay
ganito ang simpleng hiling mula sa tulad kong pasahero. Una itatak
ninyo na sa inyong kalendaryo ang mga ganitong tradisyunal na okasyon
at ipasok nyu sa isipan niyo na tulungan na ihatid at sunduin ang mga
pasahero halimbawa na lamang sa Dau terminal na ang mga iilang
pasahero doon ay nag-aabang ng masasakyan pauwi ng Manila maging sa
mga probinsiya ng Tarlac, Pangasinan, La Union, Dagupan at Baguio.
Halimbawa. Sa Dau
terminal na talagang bagsakan ng mga pasahero na kung saan ay may mga
taong papauwi sa Manila at yung iba naman ay sa Probinsiya. Diyan pa
lang sana ay bigyan na sila ng masasakyan na bus maihatid lamang sila
sa kanilang pupuntahan, ganun din sa mga ibat ibang parte ng
probisniya na merun mga terminal na pinag-tatagpuan ng mga pasaherong
pasakay sa kanilang tutunguhan.
Uulitin
ko po ulit, na sana sa ganitong sitwasyun sa ating probinsiya na kung
saan ay hindi naman talamak ang trapiko di tulad sa edsa, ay sana
kung maari ay tanawin nyu naman po kami sa aming kalagayan, puntahan
niyo ang bawat partikular na daanan na kakikitaan ng mga pasahero na
nag-nanais makasakay ng bus at kung maaari sana ay pwedeng ihatid
hanggang sa Maynila kung saan ay pwede na doon ibaba at mula doon ay
sasakay na sila ng bus patungo sa kanilang pupuntahan.
Ganun
din po sana pag-katapos ng bakasyun ay patuloy ninyong ihatid at
sunduin ang mga kababayan ninyo na nag-tatrabaho sa kalapit
probinsiya tulad halimbawa ng La Union to Pangasinan o kaya naman
Tarlac to pampanga na halos isang oras lamang ang pagitan ng biyahe
mula sa kanilang pinapasukang kompanya.
Dahil
tulad ng iba ay nakapag trabaho na din po ako sa Pampanga na kung
saan ay nakakaranas ako na ma-late sa trabaho gawa ng walang masakyan
na bus dahil sa siesta palang ay puno na ang bus kaya hindi na sila
nag-sasakay pa ng pasahero, at kung sakali man na nakasakay na ako ng
bus ang mga partikular na lugar na nadadaanan ko tulad ng San Miguel,
Capas Caltex yung pinag-lilikuan ng bus papuntang concepcion at ang
Brgy. Santiago ay may mga pasahero din na nag-aabang ng masasakyan at
mga empleyado na halos ma-late na sa kakaantay ng masasakyang bus,
dahil mula pa lamang sa amin sa tarlac ay punu na ang mga bus na ito.
Maging sa aking pag-uwi sa Dau terminal ay minsan hindi din ako
makasakay pauwi ng tarlac gawa nga ng madalang ang pag-dating ng mga
bus mula sa maynila at kung may darating man ay punu narin ang mga
ito. At alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganitong
sitwasyun sa tuwing sasapit ang taonang tradisyunal na bakasyun na
kung saan ay uwian ng mga taong taga probinsiya.
Minsan
pa nga ay pag-katapos ng ganitong taonang bakasyun ay doon din kami
nakakaranas ng pahirapan makasakay ulit ng bus pabalik naman sa aming
pinagta trabahuhan partikular na dito sa Maynila. At Halimbawa narin
ang mga Tarlaquenio na nagta trabaho sa Pampanga kung saan ang
tanging transportasiyon nila na makapasok at makauwi lamang galing
sa trabaho, ay ang bus.
At
dahil nakatuon ang mensahe na ito sa pag-bibigay man lang ng
masasakyan bus para sunduin man lang sana ang mga pasaherong na
stranded o hindi makasakay papasok at pauwi, ay wag po kayong
mag-alala hindi ko naman po sinasabi na ilibre niyo kami ng pamasahe
kung matutupad man ang tulong gaya ng sinasabi ko, handa naman po
kami mag bayad basta nasa katwiran at tamang presyo laang.
Mapa telebisyon, radyo,
magazine at diyaryo maging ang mga social website tulad ng facebook
ay nag-lalaman ng mga imahe at mensahe na nag-papakita ng tunay na
estado o kalagayan ng mga pasahero na ibinabalita sa mga una kong
nabanggit, pero tila yata wala sa mga hinalal nating matatalinong
opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang nakakapansin man lang sa
ganitong suliranin.
Hindi
ko po ito sinasabi para sa sarili kong interes o pasikat lang, mas
lalong hindi ako pulitiko na nag-papansin lang, isa lang akong
ordinaryong pasahero na nakakaranas ng ganitong sitwasyun sa tuwing
sumasapit ang mahahalagang bakasyun. Bagamat wala man akong larawan
na mag-papakita ng mga suliranin tulad ng mga nabanggit ko kanina ay
sapat na ang aking karanasan upang mailathala ko ang aking pag-puna
sa ganitong sitwasyun ng ating mga kababayan.
Humihiling
na sana ay mapaabot ito sa mga kinauukulan at matugunan ang bawat
pangangailangan tulad nito. Maibigay ang serbisyo sa publiko sa lahat
ng oras ng sitwasyun gaya ng mga nasasabi ko kanina. At inaalay ko
ang mensahe na ito hindi lamang sa mga ordinaryong tao tulad ko, para
narin ito sa mga hinalal naming mamuno sa aming Mahal na Bayan.
Maraming
salamat po!!