Lunes, Abril 23, 2012

Exclusive Bus para sa Pasahero.

      Pansinin naman natin ngayon ang lagay ng trapiko, partikular sa kamaynilaan. Ikaw ba ay nakasakay na ng MRT o LRT? marahil ang ilan nating mambabasa ay oo at hindi ang sagot well try nyong sumakay ang saya-saya.... bakit nga ba ang ilan ay sumasakay ng MRT at LRT patungo sa kanilang pupuntahan? marahil iwas trapiko at mabilis ang transportasyon.
Ang siste lamang e, kailangan mo pang pumila para maka bili ng ticket ng MRT o LRT, pag-tinanghali ka lang naman  ng dating sa MRT station, e asahan mo ang mala-tren din na pila, at pag-katapos ng mahabang prosisyon mo sa pila ay makiki pag-siksikan ka naman sa mga  pasahero na nag-aabang din sa pag-dating ng MRT. Kung mamalasin ka pa e, pwede ka pa mabiktima ng mandurukot na nag-papanggap na  pasahero ng MRT o LRT, ako nabiktima na noon sa MRT, nadukutan ako ng cp huhuhu.. well matagal naman na nangyari yun.

Isa ito sa mga kaganapan o problema, na normal na sa mga tao sa manila, na nakakaranas sa matinding trapik, madukutan, ma-late sa trabaho o interview sa inaaplayan at iba pang bagay na nakakawala ng katinuan ng tao. Well anu ba ang maaaring solusyon para dito na kahit paano e maaring makabawas sa stress ng mga MMDA, lalo na sa mga pasahero. Mayroon akong idea na naisip na sana man lang ay tanggapin ng ating Gobyerno at paboran lamang kahit ng mga mambabasa.

Na pwede, kung maari, at sana.....

     Mag provide  ng sampong Big bus para sa mga pasaherong sumasakay papunta sa mga piling piling mrt station na partikular na binababaan ng mga maraming pasahero. Ang mga bus na ito ay mag-sasakay lamang ng mga pasahero at mag-bababa sa iilang mrt station na bababaan ng mga pasahero.

Halimbawa sa Cubao station may sampong bus na naka-pokus lamang sa dalawang distination. Ang unang limang Bus ay mag-sasakay ng mga pasaherong patungo lamang sa Ortigas station at mula ortigas station tutungo naman ito sa buendia station. At ang isa pang limang bus ay magsasakay ng pasahero mula sa cubao station na ang tungo naman ay boni station at mula sa boni station tutungo naman sa ayala station. na kung saan ang mga bus na ito ay iikot pabalik sa pinag-mulan nilang station na mag-sasakay din ng mga pasahero na nag-aabang dun sa huling hihintuan ng exclusive bus na baba naman sa parehong unang nahintuang mrt station ng exclusive bus.

Ibig sabihin:

 Ang unang limang Exclusive Bus, na mag-mumula sa Cubao station.

 (Papunta)
 Cubao station (going to) -------> Ortigas Station ---------> Buendia Station

 (Pabalik)
 (from)Buendia Station---------->Shaw Blvd.---------------->Quezon Ave station.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Ang pangalawang limang Exclusive Bus.

(Papunta)
Cubao station (going to) -------> Boni Station ---------> Ayala Station

(Pabalik)
(from)Ayala station--------->Guadalupe station--------->Cubao station.

Saan naman pwede ilugar ang Terminal ng exclusive bus na ito, well bahala na ang Gobyerno o MMDA kung saan pwede ito ilagay basta halimbawa nito ay sa parte ng Cubao kung saan maraming sumasakay ng MRT from cubao station going to ortigas and so on. 
Pwede din na mula sa Buendia at Ayala station ay may Terminal din nga mga five exclusive bus na mag-dadala naman sa mga pasahero sa nasabing destinasyon.

Ngayon saan naman ang daanan ng mga exclusive bus na ito? Doon sa isang parte sa gitna ng h-way na katabi ng mrt road o mrt riles.  One way only in left and right sa side ng mrt road o riles. Ibig sabihin din nito, sa left and right ng MRT road ay may one way lamang na dadaanan ng mga exclusive bus. 

Saan naman pwede mag-baba ng pasahero? ang isang exclusive bus na nag-mula sa cubao going to ortigas station, ay pwede mag-baba ng pasahero sa ilalim ng flyover or ng ortigas mrt station na kung saan may foot-bridge doon na pwede akyatan ng mga pasahero patungo sa kanilang distination dahil doon sila bumaba sa Ortigas station. or basta  piling mrt station na kung saan pwede ibaba ang mga pasahero ng ligtas. Sa pamasahe naman well piso na lng yan... hehe joke... kung mag-kanu ang current fare ng pamasahe sa mga bus going sa nasabing pwedeng bababaan ng station, ganun na din siguro ang pamasahe.

At para sa siguridad din ng mga pasahero mula sa bawat station na pag-mumulan ng unang biyahe ay may check point, na kung saan lahat ng mga pasahero ay iniinspek ng mga guard gamit ang metal detector o kapkap system sa pag-iinspek sa bawat pasahero, bago sumakay o pumasok sa terminal ng exclusive bus. kung paano nila inspiksyunin ang mga pasahero sa MRT at LRT station ay ganun din sa bagong terminal ng mga exclusive bus na ito. Siguraduhin din na may Pulis na naka bantay sa nasabing mga estasyun.

Kung nag-bigay ng daan ang Gobyerno at MMDA para sa mga single motor, e siguro naman kaya din nila mag-provide ng exclusive way para sa mga excluvie bus na ito.

Anu ba ang advantage ng ganitong panukala ko para sa Gobyerno at MMDA.

1. Para mabawasan ang dami ng pasahero na nag-sisiksikan sa pag-sakay sa MRT.
2. Para narin sa may mga kapansanan at matatanda na nahihirapang sumakay at bumaba sa MRT.
3. Para maiwasan ang pagiging late ng mga aplikante at empleyado sa kanilang inaaplayang kompanya at pinag-tatrabahuang kompanya.
4. Para narin maiwasan mabiktima ng mga mag-nanakaw sa MRT.
5. Para dito narin sumakay ang mga ibang aplikante at empleyado na ginagamit ang sariling  sasakyan na nag-papadagdag sa dami ng sasakyan na nagiging sanhi din ng trapiko.
6. Para masala at mahati ang mga pasaherong tutungo sa ortigas, Buendia, Boni at Ayala. na nakakabawas sa dami ng pasahero na sumasakay ng MRT.
7. At para sa iba pang advantage na dulot ng panukalang ito.

Sa mga nasabi kong MRT station, ito lamang ay halimbawa, na ang sa akin lamang e, halimbawa na sa mga nasabi kong MRT station na kung saan pwede dito ibaba ang mga pasahero ng ligtas. Na ang mga nasabing halimbawang MRT station, ay maaring maraming mga tao o pasahero na pwedeng sumakay sa exclusive bus na ito. Papunta man o pabalik.

Umaasa ako sa Gobyerno at MMDA kung sakali man na ipatutupad ang ganitong panukala na mabibigyan nila ng exclusive na daanan ang mga exclusive bus na ito, na pwedeng magbaba ng pasahero sa mga pwedeng babaan nito sa bawat station.

Bakit naman sa Cubao pwedeng ilagay ang terminal ng Exclusive bus? well alam naman natin na ang Cubao ang Sentro ng kalakaran at unang nakilala at madaling mapuntahan ng mga tao.
AT marahil nag-tataka ang ilan bakit sa cubao ang pwedeng lagyan o bigyan ng exclusive terminal para sa mga exclusive bus. Bakit hindi na lng sa North Ave. at Taff Ave. na kung saan dito ang simula ng pag-sakay ng mga pasahero sa MRT patungo sa kanilang pupuntahan.
Well alam naman natin na ang North Ave. at Taff ave.  ay sila itong first and last station na hinihintuan ng MRT. na kung saan, ang  huli, pangalawa at pangatlong  estasyon mula sa North ave. at Taff eve . mrt station, ay kukunti na lamang ang mga bumababa at sumasakay mula dito. 


    DRIVE SAFELY : )

Sabado, Abril 21, 2012

Ang Buwis para sa BIR.



Sabi ng BIR maliit man o malaki ang negosyo na itinayo mo ay kailangan mag bayad ng buwis alin sunod sa batas ng Pilipinas. Sabi nila kung sampung taon mo ng pinalalakad ang negosyo mo imposible daw na hindi ka man lng daw kumikita sa pag-nenegosyo. bagay naman na, hind mailalayo sa sampong taon mo ng pagta trabaho, e wla ka parin maipon. wala ka ngang tax na binabayaran, pero yung bawat pag-gastos mo sa lahat ng pangangailangan tulad ng pag-kain, damit, tuition fee, pamasahe, kuryenta, tubig, upa ng bahay at iba pang mahahalagang bagay na kailangan pag-gastusan ay may mga kaakibat na buwis, na kinukuha din ng BIR sa pinag-bibilhan mo o nag-bibigay ng serbisyo sayu.


Halimbawa, ikaw. balak mong mag tayo ng negosyo ng tindahan, natural anu ba ang mga bibilhin mo? semento, hallow blak, bakal, alambre, kahoy, yero, pintura, pako at iba pang kagamitan na magagamit sa itatayo mong maliit na tindahan. dagdag pa dito ang labor sa iyong manggagawa.  let say, tapos na ang tindahan, ngayun kailangan mo ng bumili ng mga produkto na iyong ibebenta na alam mong kailangan at madalas bilhin ng mga kapitbahay mo na sila ang tanging customer mo sa baryo na yun. 
asukal, kape, gatas, mantika, suka, toyo, patis, mga delatang ulam, itlog, pansit kanton, noodles mga candy at chichirya na gustong gusto ng mga bata, tinapay at palaman at iba pang produkto, na pang-karaniwang makikita sa isang ordinaryong tindahan. Lahat ng ito  ay mabibili mo sa isang mall, o sa isang malaking grocery store na sila itong pagunahing pinag-kukunan mo ng iyong paninda.

Hind bat lahat ng produkto na iyong nabili sa mall at big grocery store ay may TAX? o patong na buwis para sa mga mamimili? bakit may buwis? kasi ang Mall at big grocery store ay nag-babayad din ng TAX sa BIR, san naman nila kinukuha ang pambayad nila ng TAX? natural sa iyo, sa akin, sa atin at sa lahat ng mga mamimili o customer nila.

Ang 100 thousand pesos income, kada taon ng bawat ordinaryong negosyante ay ayon sa BIR ay kailangan mag-bayad ng buwis, pero para sa akin ay hindi ito basehan upang patawan sila ng TAX o mag-bayad ng TAX sa BIR.

Bakit ulit? dahil bawat produkto o serbisyo na ating nakukuha o binibili ay may buwis na. TAMA? OO Tama at ganun nga yun.

Pag-namasahe ka sa jeep o bus, o anu mang pampublikong sasakyan, ang bawat pamasahe mo ay may patong na buwis na kung saan naman ay kinukolekta din ng BIR, at ang bawat buwis na ito ay  naipapasa o kinukuha din ng mga jeep o bus company sa kanilang pasahero bilang bayad o kuntribusyun nila sa BIR,
kung may sarili kang sasakyan tulad ng traysikel, at jeep na siya mong ginagamit sa pag-punta sa bayan upang maka-bili ng paninda, ang personal na sasakyan mo, hindi bat nagbabayad ka ng lisensya, body number, mayors permit kada taon at nag-papa gas ka kada gamit mo ng ilang kilo metrong gamit sa iyong sariling sasakyan. lahat ng ito ay may TAX din.

Halimbawa bumili ka ng itlog sa bayan, kada isang itlog ay nag-kakahalaga  ng limang piso, syempre upang mabawi mo ang puhunan , papatungan mo ito ng karagdagang presyo, so ibebenta mo ito sa halagang anim na piso o siyete pesos, sa iyong tindahan. Halimbawa may bumili ng itlog, yung limang piso sayo na, bawi na puhunan. pero saan naman napupunta ang kada piso na patong mo sa mga paninda mo? hindi bat sa TAX din ng ibabayad mo sa kuryente, tubig, pamasahe, lisensya ng sasakyan at mga personal na pangangailangan mo, at napupunta rin yun sa bulsa ng mga buhaya ng Gobyerno ng Pilipinas. at yung akala mong puhunan na nakukuha mo sa bawat paninda mo ay siya ulit itong gagamitin mong pambili ng iyong mga paninda, pamasahae, pag-papa gas ng iyong sasakyan, pam-babayad mo ng permit sa iyong sasakyan at iba pa.
Sa tingin mo ba nabawi mo ang bawat piso mo? itlog ang katapat ng sakripisyo mo sa panukala ng BIR na maliit man o malaki ang negosyo mo ay kailangan mong mag bayad ng Buwis sa kanila. Kung sampung taon ka mang nagta-trabaho na walang TAX na binabawas sa Payslip mo, ang pag-bili mo ng bawat personal na bagay sa buhay mo, pamasahe mo, kuryenta, tubig, pag-kain at iba pa, ay may kaakibat na buwis sa bawat binibili o serbisyo na  binabayaran ng pera mo. Kung ikaw man ay sampong taon o higit pa na nagta-trabaho, na may TAX na binabawas sa Payslip mo ay dobleng TAX na ito sayu, dahil bawat pag-bili mo ng produkto o serbisyo sa pera mo ay may buwis na dito.

Kung pondo din naman ang kailangan nila na kinukuha nila sa pamamagitan ng pag-kolekta ng buwis.

Well una dito, pwede nilang  gawing 6 o 8 pesos ang kada stick ng SIGARILYO. shock ka? ang laki naman ng patong kung ikukumpara sa current price nyang 2 pesos kada stick nito. well its a good advice narin para mahinto ang mga adik sa sigarilyo lalo na ang mga kabataan na kahit anung edad e natututu ng manigarilyo. Sa presyong yan siguro naman mapapaisip ang ilan kung saan pa nila pwedeng ibili o gamitin ang 6 at 8 pesos nilang barya kung ibibili lang naman nila ng sigarilyo. kung sa dos pesos na halaga ng sigarilyo e nakakatulong na sa karagdagang pondo ng Gobyerno lalo pa kaya kung itataas sa 6 hangang 8 pesos kada stick nito, dahil ang ilang porsyento nito ay buwis para sa BIR.
Ang layunin ko lang naman sa ganitong panukala na itaas ang presyo ng sigarilyo ay hindi lamang sa pagdagdag ng pondo, kundi paraan na maaring mabawasan ang mahilig sa sigarilyo na nag-bubuga ng masamang usok sa kapaligiran at upang mahinto na din ang mga kabataan sa paninigarilyo at taasan din ang presyo ng alak na partner in crime ng sigarilyo sa cancer at iba pang sakit  na nakukuha dito.

Lahat sana ng mga nakukumpiska nilang  mga kontrobandong  gamit na nakatambay lang sa
Bureau of Custom tulad ng mga nakukumpiska nilang smagling na sasakyan, mga Furniture  at iba pang gamit na pwede naman nila ibenta, ay sana naman ibenta na nila at huwag hayaang mabulok doon,  Dahil narin sa mabagal na sistema nila, ay nabubulok na ang mga pwede pa sanang pakinabangan doon. Pera na sana, binulok pa haayyyyyy!!! dahil sa mabagal na sistema at proseso ng Bureau of Custom na yan, hind nadadagdagan ang Pondo na sana ay magagamit sa lahat ng proyekto ng Gobyerno sa Pilipinas.

At higit sa lahat SANA NAMAN WALA NG BUHAYANG MAG-NANAKAW NG PERA NG BAYAN. KUNG WALANG CORRUP, WALA SANANG MAHIRAP.
sabi ng tatay ko, hindi naman lahat ng Pulitiko ay mag-nanakaw...... pero may mag-nanakaw parin  sad diba? hayyyyyyy!!!!

Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan ng bawat tao o negosyo ay ubligadong mag-bayad ng buwis sa BIR, bilang karagdagang pondo ng Gobyerno ng Pilipinas na nilalaan sa mga proyekto at tulong para sa mga nangangailangan. Pero sana naman isipin nila ang kalagayan o estadu ng buhay at negosyo ng bawat tao at hindi lahat ay may katapat na buwis sa mga nag-nanais mag tayo ng maliit na negosyo at nakaka sahod lang ng minimum wage, Puro nga pag-babago ang ginagawa ng Gobyerno, pero wala namang development sayang ang pondo ng bawat mang-gagawang Pilipino.