Ayon sa Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA), ang sino mang indibidwal na lalabag sa
kanilang probisyon sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management
Act. Ay mag-mumulta ng 500 pesos hanggang sa 1000 pesos lalo na kung
ito ay repeat offender, o sila ay magco-community service kung sila
ay hindi makaka pag-bayad ng nasabing multa. Kaya naman ang mga
environment cop ay itinalaga sa mga partikular na lugar tulad ng
LRT-MRT station na kung saan ay maraming mga tao. Maging sa mga
commercial area.
Bagay na maaring makatulong sa
ikakaayos ng kapaligiran at pag-didisiplina ng mga tao patungkol sa
walang habas na pag-tatapon ng basura. Sa batas na ito maaring
maimulat ang mga tao na ang bawat panukalang batas tulad nito ay
nag-lalayung paigtingin ang pag-kakaroon ng disiplina lalong lalo na
sa ikakaganda ng kapaligiran.
Pero sa ilang taon ko na din dito sa
kamaynilaan ay may iilang bagay din ako na sana ay mapansin din ng
kinauukulan, na para sa akin ay madali naman gawin at pangaralan para
mahinto lang ang ganitong maduming gawain sa kapaligiran. Tulad ng
nasa larawan, hindi ba't maituturing kalat din yan? Kalat na kung
saan saan makikita na lang, kalat na kung saan ay lantaran na
idinidikit ng paulit ulit lang, kalat na ilang taon ko na din
napag-mamasdan.


Kung ang ilang indibidwal ay
nakakalimot sa batas na yan lalo na ang baguhan lang sa maynila na
kung saan ay hindi sinasadya o sinadya na mag-kalat ay pag-mumultahin
agad ng 500 o 1000 pesos bilang isang multa sa pag-kakalat, bakit
hindi din ito gawin sa mga adik na nag-didikit ng post hiring tulad
ng nasa larawan na yan? Sigurado malilinis ang buong kamaynilaan kung
ang mga kompanyang nag-didikit na yan ay magco community service para
diyan.
At sana lagyan din ng mga basurahan
ang mga iilang lugar na dinadaanan ng mga tao, may mga ibang lugar
kasi na halos nasa daan na lamang yung mga kalat, tulad ng balat ng
candy, ticket ng bus, resibo, at malilit na sigarilyo at iba pa. Na
pwede naman sanang itapon sa tamang basurahan, O mas epektibo kung
sakaling may mga MMDA na taga pag-salita sa mga tao na nag-sasabi na
bawal mag-kalat at itapon sa tamang basurahan ang mga kalat. kahit
naman siguro ay may mga diseplenado paring mga tao na mag-tatapon
parin ng mga basurahan sa tamang lagayan nito.
At kung sino man ang mahuhuling
mag-tatapon ng kalat sa daan ay siyang sisitahin at ipapapulot sa
indibidwal na ito at uutusang itapon mismo ang kalat sa tamang
basurahan upang mag-silbing halimbawa siya sa mga lalabag sa batas na
ito.
At sana bigyan ng autoridad ang alin
mang pamayaman, tahanan at business establishment na
huliin ang sino mang mag-didikit ng
kahit anong poster at mag babandalize sa mga poste at pader na
kanilang nasasakupan, upang sa ganun ay masupil ang sino mang mahilig
mag-dikit at mag bandalize ng basta basta na lamang sa kanilang mga
private property. O kahit aksyunan man lang sana agad agad ng mga
PULIS at MMDA na umaksyun sa mga sumbong ng mga tao kung sila ay
makakahuli ng mga ganitong indibidwal.

Mr. Chairman Francis Tolentino, saan ho ba umiiral ang RA 9003 ninyo?
kung ang ilang indibidwal na pinag-mumulta niyo ng 500 at 1000 dahil sila ay nag-kalat at dagdag pa nito ay may panukala pa na itatala pa sa NBI clearance ang kanilang kaso kung sakali man sila ay hindi naka pag-bayad o nag community service? Diyan mismo sa mga larawan na nakikita niyo maituturing excuse ba yan para hindi lang mag-bayad sa nasabing multa at mag bibigay ng community service na kung saan ito ay napapaloob sa inyong batas na RA 9003? Maaring hindi siguro sila sakop ng RA 9003, ano kayang batas ang pwedeng isabatas pa ng kinauukulan para mahinto lang ang mga yan, pero bakit kailangan pa ng batas kung ang tungkulin ng kinauukulan ay ang pag-sasaayus at pag-papaganda ng kapaligiran.
Sa bawat pag gawa ng batas o kahit alin man probisyon na tumutukoy sa kahit anu mang panukala para lamang sa pag-sunod ng bawat indibidwal, sana suportado ito ng gobyerno at kinauukulan ng anu mang departamento. tulad ng mga batas na inilulunsad ng gobyerno na tumutukoy sa pag-sasaayus ng basura o ang pag-hiwahiwalay nito, at tulad halimbawa din ng RA 9003 ay tumatalakay sa mga basurang naitatapon sa mga partikular na lugar, at may kaparusahang multa o community service para sa mga lalabag dito.
Pero sa aking mga naibanggit at nailarawan sa inyo, sana MMDA may pag-babagong magawa sana ang kinauukulan laban dito, kung sakali mang mag-papatuloy ang mga imahe na yan sa kabuuan ng metro manila, anu mang batas ukol dito at ang RA 9003 na probisyon kuno ng MMDA, ay sa bandang huli ay nakakatawa na lang.