Lunes, Agosto 19, 2013

Sa Wakas ang aking Blogspot.

         Sa wakas at nakuha ko din ang Blog ko na ito na ang una ay akala ko ay hindi ko na magagamit pa, napabayaan ko kasi dahil narin siguro sa naging busy sa trabaho at walang oras gumawa ng blog na kahit marami akong naiisip at gusto gawin sa blog ko na ito. dahil sa kagustuhan kong magamit ulit itong blog sa paglalathala ng aking nais sabihin ay naisipan kong subukan na buksan ang blog gamit ang isang yahoo account ko na ang akala ko ay ito ang username na gamit ko mismo sa blog na ito. 

Katuwa ko ng na buksan ko ang blog gamit ang yahoo username ko ngunit ang pinag-tataka ko nga lang ay nabubuksan ko nga ang blog ko na ito pero hindi siya masunod o hindi mai-under sa blog title ko na Reed My Mind sa mga  nais kong i-blog, kumbaga nai-click ko nga yung "gumawa ng bagong blog"(create new blog) pero sa bagong  blog title na lang na magagawa mo hindi na siya dun sa orihinal na blog name ko, at dahil sa  ibang username ang ginamit ko sa pag bukas ng blog ko ay minumungkahi ng google na mag-gawa ka ng bago mong blog sa isang option na mayroon kang mababasa  na nakalagay sa pahabang parisukat              .blogspot.com] kumbaga dudugtungan mo yan bilang bago mong blog. at mula doon yan na ang blog na magagamit mo sa tuwing gagawa ka ng blog. 
      Bago pa nito ay naisipan ko din gumawa na lang ng bagong blog na deerlouvic.blogspot.com, dahil sa nakalimutan ko na ang username ko na gamit ko sa una kong nagawang blog at nakagawa nga ako ng bagong blog, syempre andun parin ang title na "Reed My Mind" nailipat ko nga doon yung isang blog na ginawa ko na din dito sa orihinal kong blog, pero para sa akin maganda parin na mabuksan ang blog ko sa una kong blog name na ginawa ang "Reed-Mymind.blogspot.com" dahil kada gawa mo ng blog ay automatic syang mapupunta sa blog title na Reed My Mind.

     Sa pag-aakalang hindi ko magagawa pang maibalik ang unang blog ko kahit na nabubuksan ko sya sa yahoo username ko, ay hindi yun ang tamang username para maisunod sa blog title ko na Reed My Mind. makakagawa ka nga ng bagong blog pero iminumungkahi ka pa nya na mag lagay ng bagong blog sa isang option sa baba ng option na may"pamagat" tulad nga ng sinabi ko kanina.
At kahit nabubuksan ko nga ang blog ko na Reed-mymind.blogspot.com gamit ang yahoo username ko ay hindi ko magawang ma-edit ang mga unang blog ko na nagawa, ibig sabihin lang yun na, sa blog na ito ay pwede palang gumawa ng ibang username pero hindi mo magagalaw ang mga unang blog na nagawa na sa blog na ito, na naka-under lamang sa orihinal na google username na ito, at kahit pa gumawa ka din ng bagong google username ay ganun din hindi mo siya magagalaw nor ma-edit man lang dahil sa ibang username ang gamit mo, kahit pa nabubuksan mo ang blog na ito.

     Pero dahil sa kagustuhan kong makagawa ng blog gamit ang "Reed-Mymind.blogspot.com" ay may naalala akong yahoo mail ko, na sa pag-kakatanda ko ay may mga na save ako dun na mga user acct. at password sa draft mail ko, ang problema nga lang ay nakalimutan ko din ang password ng yahoo mail ko na iyon, kaya sinubukan ko i-click ang  "Hindi ko ma-access ang aking account" makikita ito sa ibaba ng "sign in" sa yahoo option log-in ng yahoo mail. dahil sa kahit paano ay natatandaan ko ang username sa yahoo mail ko ay sinubukan kong mag-patulong sa yahoo.
nag-mapindot ko ang "Hindi ko ma-access ang aking account" ay kinilik ko naman ang isang option na "May problema ako sa aking password" pag-katapos nun ay hiningi nya sa akin ang username ng yahoo ko at tinanong nya ulit ako ng dalawang tanong na pagpipilian , binigyan nya ako ng tanong sa mga secret question ng yahoo registration ko noon, ang mga tanong na ito ay nasagot ko tulad ng "what is the name of your favorite Uncle" at "Where did you spend your summer vacation" nung una nahirapan akong sagutin kasi hindi ko na din matandaan ang mga sagot, pero kahit paano nasubukan ko din na humula ng mga common answer na ako lang ang nakakaalam na partikular ko lang din naman na nailalagay sa mga ganyang reg\istration question or secret question of registration ng yahpoo mail.

         Pag-katapos kong sagutan ang mga yan ay pinaulit sa akin ang dalawang tanung for security purposes daw sabi ng yahoo, kaya umulit ako sa umpisa hanggang sa hiningi nya sa akin ang new password ko, kaya doon palang natuwa na ako kasi new password na lang ang hinihingi sa akin at mabubuksan ko na ang yahoo mail ko na iyon na matagal ko ng hindi nabubuksan, pero sa pag-lalagay ng bagong password ay nahirapan din ako, lahat yata ng naisip kong password ay weak daw sabi ng yahoo, kaya dami ko ng iniisip na password pero ayaw nya tanggapin, kahit na ginamit ko na ang mga advice nya gamitin daw ang mga ito @ # ? etc. at sa wakas sa awa ng diyos may isang password na hindi ko inaakalang tatanggapin nya... kaya in a few minutes na open ko na ang yahoo mail ko.
Sa hindi din inaakalang tama ang naisip ko na sa draft mail ko ay andun yung username at password ng blog ko na ito, kaya naman agad kong sinubukan at...

TAAAADHAAAAAAAA.........

meet my old blog hahahayyy, sa wakas nabuksan ko ang blog ko, at nasubukan mag-edit, buksan lahat ng dapat buksan, gawin ang dapat gawin para masubukan lang na ang, google username ko ay gumagana na talaga at legitimate kong magagamit sa pag-open ng blog ko gamit ang orihinal kong google username account.

     Kaya naman sinimulan ko ulit mula dito, sa pag-lalathala kong paano ko nakuha ulit ang old blog ko. sa kabila nito ay may mga natutunan din akong policy gamit ang google at yahoo na kung saan dapat ay matandaan mo kahit paano ang iilang importanteng impormasyon na inilalagay mo sa information log-in mo at sa Google at Yahoo ay  mas lalo nilang pinag-titibay mula sa pag-aalaga ng account mo na kahit hindi o matagal mo ng hindi nagagamit ay nakikita mo parin sa site na ito ang blog or anu mang social account na ginawa mo at sa pag-bibigay siguridad sa user account na protektahan ang mga account na ginagawa mo, sa pamamagitan ng pag-gawa ng isang password na kahit na sino man ay hindi makukuha. Higit pa dun ay hindi na dapat kalimutan ang username at password ng kahit anu mang social media account lalo na kung ito ay iyong hilig at napapa kinabangan mo sa buhay mo.

pahabol din pala kahit ang user account ko sa youtube ay nakuha ko din sa pamamagitan ng yahoo kasi nakalimutan ko na din password ko dun, kaya naman mula ngayun aalagaan ko na ang mga social accout ko na ito. gumawa din ako ng twitter account kaso tulad ng dati nakalimutan ko na kahit username ko dun, kaya try ko din minsan gumawa na lang ng bagong accout sa twitter.

Kaya mula dito sa aking upuan THANK YOU GOOGLE AND YAHOO to help me out in my problem to how to get again my old social account in your site.

Sa mga mambabasa MARAMING SALAMAT din po sa inyong lahat.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento