Huwebes, Enero 12, 2012

Forwarded Badluck message.

  • Binigyan ka ng pag-kakataon na basahin ito. wag mo na ihinto badluck will happen, put your hand in your lips then wish. After you wish will be granted 3 times, ipasa mo sa 20 na katao pag-sinunod mo ito matutupad ang wish mo. pag- hindi mamamatay ang taong mahalaga sa iyo. takot po kasi akong mawalan ng taong mahalaga sa akin eh. 20 minutes is running out starts now.
  •     The virgin of Guadalupe is miraculous. She accompanies you all the time. This message must continue its journey around the world.  The President of Argentina received this message and called it junk 8 days later his son died. A man recieved this message and immediately send this copies. His surprise his winning lottery. Albert Martinez recieved this  and ask his secretary  to make copies but forget to distribute. He lost his Job and his farm. ( This is miraculous and sacred) Dont ignor, forward it with 13 days to 25 people.
    Iilan lang ito sa mga text message na kumakalat at ikinakalat ng mga baliw na naniniwala sa message chain badluck na ito. Kahit noong college pa ako nakaka received  na ako nito, at aaminin ko, nag-papasa din ako noon sa iba, kung ikaw din naman ay makakabasa sa unang pag-kakataon nito ay siguradong maglo-load ka para mai send mo din sa iba. Iwas badluck ika nga. Maging sa mga computer, sa mga opisina ay may mga ganito din at naipapasa sa pamamagitan ng e-mail, halimbawa sa Microsoft office outlook,  na kung saan kadalasan ginagamit ng mga nagta trabaho sa mga opisina. Pero kung iisipin mo may katotohanan kaya ang mga ito, ang mga pangalan at personalidad na nababanggit sa mensahe ay kilala ba natin, para paniwalaan lang. Hindi natin matukoy kung saan at sino ang gumagawa nito upang ikalat lang ang mga panget at maling paniniwala nila at kahit pangalan ng Diyos ay binabanggit upang patotohanan lang at sumunod ka sa pag-papasa ng message na ito sa iba. Naiinis ako sa mga taong nag-papasa nito dahil maging mga kaibigan ko ay pino forward din sa akin ang mga message chain na ito, ngayun sa tuwing makaka received ako ng ganitong mensahe ay hindi ko ito pinapasa sa iba, bagkus binubura ko pa nga agad. Dahil para sa akin kabaliwan lang kung paniniwalaan mo ito. Sadya kong hindi muna binura sa cell phone ko,  ang mensahe na nasa itaas ng article na ito, upang mailathala sa inyo ang nais kong sabihin sa ganitong message chain, buti sana kung Good luck at Prayer for helping people ay sisipagin pa akong i-send din sa iba lalo na maganda at mahalaga ang ipapasa mong Text message.
Sa laki ng mundo na ating ginagalawan, bawat bansa ay may mga mahihirap na nilalang. Kung ikukumpara mo ang panget na paniniwala mo sa mensaheng nare received mo, sa kalagayan ng mga taong walang tahanan, walang trabaho, walang makain at walang wala talaga sa buhay ay maiisip mo pa bang malas at naghihirap ka sa hindi lang pag-papasa ng mensahe na ginawa lang ng tao? Takot, oo mga taong takot lang ang nag-papasa din nito sa iba, simpleng brain wash agad ito sa utak mo upang sumunod ka sa kanila. sa tuwing hindi ka gumaya o hindi mo ipapasa ang mga tulad ng mensahe na nabasa mo sa itaas ng article na ito, ay pakiramdam mo mamalasin kana.
Ito tatandaan mo, hanggat may Kristo ka dito sa puso mo, wala ka dapat ikatakot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento