Biyernes, Enero 13, 2012

Paulit-ulit.

    Ang Mundo natin ay isang malaking bilog, ito ang hugis na nasa aking isipan kung siya ay titignan ng mabuti. Sa bawat parte ng mundong ito ay may mga lugar na tinatawag nilang bansa. Para mas lalong malaman ang pag-hati hati nito ay binigyan ito ng pangalan at tinawag nila itong Pitong Kontenente. Sa bawat kontente ay may kinabibilanagang mga bansa.
Well hindi yan ang topic ko, panimula lang yan wala kasi akong maisip na sasabihin sa pamagat kong paulit-ulit. nais ko lang bigyan ng pansin ang mga pangyayaring nangyayari sa loob at labas ng Pilipinas, maging sa showbis man o normal na nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Paulit-ulit , kasi ito ang isa sa mga napapansin kong bagay na aking nalalaman, nakikita at naririnig sa aking paligid sa pamamagitan ng Telebisyun, Radyo, News paper at chismis ng mga kapitbahay ko.
Ayon sa balita isang malaking barko ang umalis sa kasagsagan ng Malakas na bagyo, at ito ay nilamon ng malaking alon sa gitna ng karagatan, maraming mga nasawing pasahero doon ang ilan ay nawawala parin hangang ngayun. Sa kabila nito patuloy ang pag-iimbistiga sa nangyaring landslide sa kalapit bayan nito at maraming mga residente ang nawalan ng bahay at nasawi, ang ilan dito ay pinaghahanap parin ng mga pulis. Sa hindi kalayuan naman, isang pampasaherong Bus ang nawalan ng preno at lulan nito ang mga pasaherong uuwi sana sa kani-kanilang probinsya upang magdiwang ng undas, ayun sa pag-sisiyasat ng mga pulis, mabilis umano ang patakbo ng bus kaya nawalan ito ng kontrol at bumulusok ito sa malalim na bangin, kaya naman maraming mga pasahero nito ang nasaktan at nasawi kabilang na dito ang mga bata.
Ilang balita pa kaya ang pwede natin marinig, na tila paulit ulit na nangyayari, Ilang araw din laman ng balita ang mga ganitong balita sa lahat ng pahayagan ng telebisyun, radyo at dyaryo. Pag-kalipas ng iilang lingo makakabalita ka naman ng dalawang artista na nag-iibigan, pag-uusapan ng bayan, mag-kakaroon ng pelikula at teleserye at pag-katapos nun laman ulit sila ng showbiz balita, kasi hiwalay na sila. Si babaeng artista iiyak, lilitaw ang mga nag-papanggap na artistang kaibigan na hindi na lumalabas na T.V para kunwari o baka sakali bigyan sila ng trabaho ulit hahaha, nakakasawa diba. Si lalaking artista biglang mawawala , nasa abroad na pala. bigla mo na lang makikita sa isang Chanel nag ho host na pala, o kaya naman tumatakbo na ng mayor sa kanilang bayan, tas mangungurakot lang din naman hayyyyy... Sa usapang pulitikal naman hindi parin matapos tapos ang balita o pangyayari na , isang mataas na opisyal ng palasyo, nangurakot sa kaban ng bayan. Isang dating senador nasasangkot ngayun sa droga at kahit sinu -sinu pang personalidad na kilala na sa ating bayan ay napapa balita sa ganitong paulit-ulit na balita. Ang tanung, anu bang nangyayari pag-katapos ng kwento? umuunlad ba tayo? HINDI diba... imbis na pansinin ang mga hinaing ng mga taong bayan, kasama na ang mga kababayan natin sa ibang bansa na humihingi ng suporta mula sa gobyerno ay nababalewala dahil sa ganitong usapin na mismong mga taong walang kwenta ang umaagaw ng atensyun at suporta sa mga kababayan natin. Kung papansinin mo ang mga bawat balitang naririnig mo mula ng mag-kaisip ka at hanggang ngayun ay ganun parin, iba iba nga lang ang mga taong nababanggit sa balita at ang ilan ay nauulit pa, ay siya din ulit itong malalaman at mababalitaan mo sa susunod pang mga paulit-ulit na lang na balita. nakakaswa diba. ?
Hindi man mapansin ang mga iilang pangyayri na ikaw din mismo ay nakakapansin nito ay hindi rin ito nalalayo sa usaping paulit-ulit lang, sabi nga ng iilan “parang sirang plakang paulit-ulit ang tunog, sira naman” .  marami ding mga balita na aking naririnig na hindi ko na nasabi sa blog na ito, pinansin ko lang ang mga iilang bagay na para sa akin ay paulit-ulit sa aking  pandinig at nababasa sa dyaryo. tulad ng laman ng iyong isipan maaring ito ay nauulit din sa iyong kapaligiran kaya sabi ko nga, iba-iba lang ang panahon at karakter pero iisa lang ang tunog nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento