Martes, Enero 3, 2012

Ang Matanda at ang Bata.

Gabi ng December 30, 2011, Isang Matandang lalake na nasa edad 65 pataas at isang batang babae na may edad na 6 o 7 na edad, nakita ko sila sa Dau Terminal, ang alam ko nanlilimus sila sa mga pasaherong andun sa Terminal, dahil sa kanilang kasuotan na masasabi mong mga pulubi sa daan, may dalang lumang sirang gitara ang matanda na kanyang bitbit sa kanyang likuran habang inaalalayan sya ng batang babae na kasama nya. habang nag-aabang kami ng medyo maluwag luwag na bus dahil nga punuan at siksikan ang ibang bus , dahil narin siguro may mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya. maliban sa mga magagandang pasahero na gusto din namin makita , ang dalawang taong ito ang naka-agaw ng pansin sa akin. sa isang bus sila sinubukan sumakay so naisip ko pasahero din pala sila na gusto din makisakay pero hindi sila pinasakay hindi dahil siguro punu na ang bus dahil narin siguro sa kanilang amoy at kasuutan. Napansin ko din ang isang Helper na lalake na tinutulungan din sila makasakay sa mga bus pero hindi din nagtagal at iniwanan din sila nito, sinundan ko ng tingin ang dalawa inaalalayan ng bata ang matanda gang sila ay naupo sa isang sulok, napansin ko ang kalagayan nila lalo pa akong naawa dahil bulag pala ang matanda at ang tanging gabay lang niya ay ang batang babae na kasama nya. nainis lang ako sa matanda dahil kahit ganun ang kalagayan nila nakuha nya pang manigarilyo, pero mag-pagayunpaman awa parin ako lalo na sa bata, marahil naisipan nyang umupo dahil narin napapagod na siya sa kakaalalay sa matanda. 
Maya- maya pa may isang bus na pumarada sa harap ng kinakatayuan namin ng kasama ko, so naisip namin na sumakay na agad kami kahit na nakatayo na lang kami , sa isang bus na may pintuan sa gitna ng bus kami pumasok at sa hagdanan nun , dun kami pumwesto dahil pwede kami umupo kahit sa hagdanan na lang ng bus na yun,bigla ko din nakitang sumakay ang matanda at ang bata sa bus at sa awa ng Diyos nakaupo naman sila sa tatluhang upuan, sa isang lalaki hindi ko alam kung maawa ako or matatawa ako dahil katabi nya yung dalawa , dahil bigla na lng ito nagtakip ng ilong at kunwari tulog dahil hawak ng isang kamay nya ang ilong nya, pero sa kabilang banda nauunawaan ko naman yung lalaki na nasa gitna na katabi ang matanda habang kalung kalong nya ang batang babae. nagsimulang umandar ang bus punuan at siksikan sa loob habang kami ng kasama ko ay umupo sa hagdanan ng bus sa gitna. maluwag na sana ang pwesto namin kung hindi lang sumakay ang dalawang lalaki at naki pwesto din sa amin hayyyy.... habang nasa hi-way napansin ko na tulog na ang bata sa kanlungan ng matanda, habang nagsisimula magbigay ng ticket ang  kondoktor ng bus. at hindi nga nagtagal nagsisingilan na, hmmm bigla pumasok sa isip ko na ako na lang ang mag bayad sa dalawa tutal naawa talaga ako sa lagay nila, sinabi ko ito sa kasama ko, natural ang sinabi nya lang sige so sige nga ako nakita ko na humuhugot ng pera yung matanda sa bulsa nya hindi nya alam kung magkanu ang hawak nyang pera basta dumukot na lng sya, nakita ko puro limang piso ang nakukuha nya, nung una nahihiya akong gawin ang nais kong ilibre ang dalawa kaso sabi ko wala namang masama kung gagawin ko yun, so sa kakaisip ko nakabayad na pala ang dalawa, so bigla ko tinawag yung kondoktor sabi ko kuya, kuya pakibalik na lang yung bayad nila, ako na lang yung magbabayad sa dalawa ,  tinanong pa ako ng kondoktor kaya umoo kaagad ako na ,oo ako nga sabi ko sa isip ko kahit na tumango nako sa tanung nya nung una, ang ibang pasahero napatingin lang sa akin sa ginawa ko. so binalik nga ng kondoktor yung pera ng dalawa hindi man ako nakarinig ng pasasalamat sa matanda , para sa akin sapat na yung ginawa ko sa kanila , maliit mang tulong na maituturing ang ginagawa ko pero sana may mga tao parin na handang tumulong sa mga taong tulad nila. Ngiti ang naramdaman ko para sa bata sa pagod nyang kakaalalay sa matanda sapat na ang makita kong tulog sya sa kanlungan ng lolo nya. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento