Miyerkules, Enero 11, 2012

NBI Clearance

NBI clearance isa sa mga mahahalagang requirements na kinukuha natin para gamitin sa pag-aaply ng trabaho local man o abroad. bawat araw, sa NBI office sa ibat ibang branches sa paligid ligid ng pinas ay hindi bababa sa 400 ang mga aplikanteng kumukuha ng NBI clearance araw-araw mula lunes hanggang biyernes siguro hehe. Tulad ko isa ako sa mga debuto ng NBI clearance para gamitin ko sa pag-aaply ko ng bagong trabaho. alam ko na sa pag-kuha ng clearance na ito ay maraming tao na nakapila at maaring magulo pa din ang systema at hindi nga ako nag-kamali dami ngang tao at magulo silang tignan para silang nasa palengke. hindi iyon ang una kong pag-kuha ng NBI clearance sa NBI Tarlac Branch pero syempre malilito ka parin kung anung first step at 2nd step sa pag-kuha ng clearance dahil maaring may nabago sa sistema ng pag-kuha ng clearance, kaya kailangan hanapin mo si Mr. magtanung kaya ayun na guide naman ako, at dun ko narin napansin na bago at pogi  na din ang NBI form nila hindi na (NBIXF) or NBI xerox form hahaha. Ilang saglit lang pumila narin ako sa unang step ng proseso matagal tagal din bago ako makarating sa mismong nag aasist ng form ok naman. habang tsini-chek ni manong  ang NBI form ko, napatingin sya sa akin at tila patanung na "camiling Tarlac?" at tumango lang ako , hmm marahil ilokano siya kasi ilokano ang mga taga camiling tulad ng tatay ko na inilagay ko sa form yung place of birth ng tatay kong pogi, after nun pumila naman ako sa pag-babayad sabi ng friend ko 115 pesos lang ang bayad ng NBI clearance, pero nung ako na yung nag-babayad dahil wala akong eksaktong 115 pesos na dala sa bulsa ko, ay buong 500 pesos yung binayad ko at sinuklian ako ng 380 hmmmm kulang ata ng 5 pesos yung sukli ko, imbis na 385 pesos e naging 380 pesos lang inabot sa akin ng lalake nagku computer dun kahit na napansin ko dun sa lagayn ng pera e, may mga barya naman.at sa pag-kakatanda ko ganun din yung nasingil sa akin 120 pesos, nag-bigay ako ng 500 pesos at kulang ulit ng sukli ko ng 5 pesos? hmmm kung higit sa pa dalawa o tatlong tao ang hindi nasusuklian ng tama araw -araw sa trabaho nila, aba yan yung tinatawag na corruption. well its a small amount lang for now sa akin yun kasi importante matapos lang ako kasi medyo matagal tagal din ang hinintay ko bago ako makabayad. sa susunod na step ay verification ng form yung ita-type nila yung mga information na sinulat mo sa form at i-encode nila yun sa computer na nakikita mo din sa harapan mo marahil siguro kung my correction ka sa pangalan nila na ilalagay nila sa computer. Nung nakita ko yung pila haayyyyy grabe sabi ko ito na naman antayan portion sa mahabng pila hmmm meju matagal tagal din bago ako makapasok sa loob para mai incode ang NBI form ko, nung andun nako sa mismong harapan ng pintuan ng room na yun e sumunod ako dun sa isang lalaki na kasunod ko, pero sinita ako ng lalaking nakupo dun sa harap ng lamesa sa loob , akala ko tambay lang siya dun taga sita pala pag-sobra na yung tao na napila sa loob, sabi nya 10 lang muna ang pedeng pumila, pero bago yun may tatlong tao na naguusap sa harapan ng pintuan ng room na yun, deadma lang ako pero bigla sinabi ng lalaking kasama nila na "oh sige dyan kana" sa madaling sabi pinasingit nya yung matabang babae imbis na ako dapat dun naiinis ako sa loob loob ko kasi pag-katapos ko nakapila sa mahabang prosisyun sisingitan lang ako? hayyyyyy ang pinagtataka ko pa bakit hindi yun napansin ng lalaking nakatambay dun sa loob na taga sita ng mga maiingay este ng mga taong pasok lang ng pasok sa loob? well pasenxa sistem ang inuna ko kahit mataba siya at babae isa lang naman siya, kaya pinag bigyan ko na dahil alam ko hindi talaga nawawala at mawawala ang singitan system sa ganyang proseso. pero ang sa akin lang sana hindi naman sana ganun kasi kung alam nyu lang may sumusunod din sa akin na matandang babae na nakapila din at nagta tyaga din sa pila tulad ng iilan na kasama ko sa pila, tas sisingitan lang kami ng matabang babae na yun sana kahit man lang siya ay mahiya hindi lang sa katawan nya kundi sa pag-mumukha nya, hayyyyy so after ng verification ng form , picture taking naman medyo mahaba ang pila at mabagal umusad tulad ng mga naunang pila na pinag-daanan ko, at dun ko ulit nakita yung tatlong nag-pasingit na babeng mataba, naiinis ako imbis na ako yung kasunod ng nauna sa akin ay siya itong sinusundan ko pa sa pila hayyyy maya maya pa'y umalis siya nung umalis siya, bigla ako dumikit dun sa lalaking ako dapat kasunod then napansin ko yung matabang babae andun sa tabi ng maliit na tindahan nakaupo at naninigarilyo, maya maya pay umusad ng bahagya ang pila gang sa lumapit ako sa mismong pader ng mga nakapila dun, at maya maya din ay naka pila na din yung matabang babae sa pag-kakataon na yun nasa likod ko na siya hmmm talagang hindi ko na siya pinasingit nu, habang nasa pila ako may nakita akong piso dun sa kanal, hindi naman basa o wala naman maruming tubig yung kanal nila dun sa madaling sabi tuyo yung kanal,  kaya pasimple akong umupo at kinuha ko yung piso sayang e, e anu kung may makakita at mag-isip na para piso lang pupulutin ko pa, para sa akin kahit piso yun pera pa din yun ng Pilipinas. Hindi nga nag-tagal ako na yung susunod na pipicturan well wala na man naging problema after picture,  biometric naman sa sampong mga daliri. hayyyyy Finaly ang pinaka last process ay hahantayin mong tawagin yung name mo sa mga natapos ng NBI clearance, since naman na katatapos ko lang makuhanan ng picture e, naisipan ko ng kumain dahil yun din ang oras ng pag-kain ng mga NBI agent dun hehe. well sa pag-labas ko dami namang canteen andun, kaso wala ng mga ulam at yung iba may ulam pa kaso hindi ko gusto kainin hehe kaya naglakad lakad pa ako gang sa makarating ako sa isang tindahan na canteen din, dahil sa wala akong maisip na pedeng tanghalian e nag- coke na lang ako at chippy at punchy bar sulit nako dun at busog na kahit paanu. pag-katapos kong mag-pahinga e bumalik nako sa NBI office, wala maxado mga tao marahil umalis din para kumain, para akong palaboy dun na palakad lakad , nag-hahanap ng magandang mapu pwestuhan, sa bandang likod ako unang umupo kaso hindi ako nag-tagal kasi may nanigarilyo sa tabi ko, e medyo inuubo at sinisipon ako ngayun kaya iniiwasan ko ang usok. maya maya pa'y dumarami na ang tao, bumabalik na yung mga nag-sikain sa ibat ibang canteen sa labas. bumalik na din si manong at nag-labas ng mga nakulimbat nya sa loob yung mga natapos na NBI form at NBI reciept lang. swerte mo kung NBI form na talaga yung naibigay sayu, hindi tulad sa akin at sa iba e recipt lng meaning nun may kapangalan ka hayyyyy... matagal tagal din bago ko nakuha yung NBI reciept ko tulad ng sinabi ko may kapangalan ako, aantayin ko ito gang feb. para makuha. hmmm isa pang kinakatakot ko kasi may mga iilang tao na kumukuha din ng NBI clearance nila na kung saan last year pa pala sila nag pa clearance dun kaso until now wala pa daw yung sa kanila, advice ni manong sa iba antayin lang daw, sa iba naman mag- online kung kelan makukuha yung NBI clearance nila at yung iba mag re apply daw ulit haayyyy sabi ni manong dahil daw bago daw ang sistema ng NBI lahat ng mga pangalan ng ibang aplikante ay hindi kilala kaya puro receipt muna ang binibigay, kung bago ang sistema nila at hindi na raw kilala ng computer system nila ang mga taong nag-aaply ng NBI clerance e bakit yung iba agad agad my NBI record sila at nakukuha yung NBI clearance? kaya yung iba nakasimangot lalo na yung mga gustong mag-abroad kasi nagiging cost ng delation ng pag-process nila sa mga requirement na inaaplayan din nila. ito ang explanation ni manong sa pag-kakatanda ko sa sinabi nya " Hindi namin kayo masisisi kung maiinis kayo o magagalit  sa amin, kahit siguro ako maiinis din kasi biruin mo umaabot ng 6 months bago makuha yung NBI clearance, karapatan nyu pong magalit kasi unang una nag-bayad namn kayo ng 115 pesos... gusto ko tuloy sabihin ke manong na 115 pesos lang pala yung bayad e bakit 120 pesos yung sinisingil sa iba , tulad sa akin? sabi nya pa .... yung record daw sa ibat ibang branches ng NBI sa Pilipinas ay nasa iisang computer lang daw sa Manila kaya daw mabagal at matagal daw minsan makuha yung NBI clearance. pero manong bakit naman 6 months? ang tagal nun kung 1 month nga lang matagal na e yung 6 months pa? haller...? anu ba ginagawa ng GOBYERNO sa sistemang yan , harap harapan ka na ngang sinisingitan katulong pa yung ibang mga NBI agent nila dun, matagal tagaaaaaaaaaaaaaaaallllll mo pa makukuha pala ang NBI mo, ang masaklap baka ire aply mo pa ulit after 6 months? huhuhuhu kawawa naman kami oh!! pero sa lahat lahat ng ito, ok naman si manong maki-pagusap, malakas ang boses pero may dating, nakukuha nya naman yung loob ng mga tao kasi may sense of humor siya .he get closed to other people around him and get jokes with in. kaya naman kahit paanu nababawasan ang pagkainis mo sa sistema nila at sa hindi maputol putol na mahabang pila araw araw. marahil ganito din sa mga ibang proseso sa pag-kuha ng requirements. tulad ng voters ID ko until now wala parin hayyyyy nako naman!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento